pinoy(philippines) diy'ers

Started by blackbirdneo, May 27, 2005, 10:21:20 AM

Previous topic - Next topic

ejbasses

black bird, may power supply PCB ako dito gawa kita gusto mo? May nag bigay sakin ng isang kilong ferric chloride eh gusto ko na gamitin hehehe. LM317 yung regulator tapos minimal parts count. Sabihin mo lang sakin pag trip mo, bakasyon ko na sa wednesday ng hapon, Yahoo!!!!

gagawa nanaman ako ng mga projects ehehe, unang una recable ng headphones ko nasira na kakagamit. Suggest naman kayo ng simple na power amp na around 20W into 8 ohms yung output

Di pa ko nakakagawa ng modulation at time based effects eh kaya ala ako alam jan
Four Strings To Rule Them All And In The Darkness Bind Them

crawler486

Quote from: pyrotek
crawler bakit nga ba crawler486? Naka 486 na PC ka parin ba? Gumagapang takbo ng PC kaya crawler? hehehe!!! :D  joke lang...


hehe galeng mo pre!! tama.
pinaka unang pc ko yun.  lahat ng gusto kong name taken na lahat.

newvogs,
  sa modulation fx medyo marami talaga part count nyan.
  and alam kong pinaka konti ej Rebote2 Delay at Small Clone Chorus.
  Subukan mo Small Clone swabe tunog. Ganda sa clean or distorted.

blackbirdneo

sir ejbasses. magkano kung papagawa ko? hehehe:D:D

crawler486

Quote from: blackbirdneosir ejbasses. magkano kung papagawa ko? hehehe:D:D

whatever happened to DIY? hehe :shock:

pareng ej hayaan mong matuto pagawa ng sariling pcb c blackbird.
ako marunong na.. kaya ako n lang igawa mo  :evil:  :evil:

ejbasses

blackbird, magpapagawa ka? Baka di mo kaya presyo ko. hehehehe. Kung gusto mo punta ka dito sa bahay hangout nalang tyo gawa ng PSU mo saka cigarettes and softdrinks hehe. Kumbaga seminar on PCB building haha. Provide mo nalang ang parts

Mga tol alam nyo ba kung ano yung tawag dun sa parang nylon na ginagamit na pang balot sa wire? parang tubes sya, gets nyo ba ako??? hehe. Yung makikita sa loob ng mga electric fan pang insulate ng mga splice at makikita sa loob ng control cavity ng gitara. Gets? Gets?
Four Strings To Rule Them All And In The Darkness Bind Them

crawler486

Quote from: ejbasses
Mga tol alam nyo ba kung ano yung tawag dun sa parang nylon na ginagamit na pang balot sa wire? parang tubes sya, gets nyo ba ako??? hehe. Yung makikita sa loob ng mga electric fan pang insulate ng mga splice at makikita sa loob ng control cavity ng gitara. Gets? Gets?

Shrink Wrap?

ejbasses

Dehins shrink wrap tol. parang nylon sya na mesh, Hay ang hirap idescribe!!!! hehe. parang tubing sya na nylon tpos dun pinapasok yung wire parang additional insulation.

anong PCB papagawa mo pareng crawler?
Four Strings To Rule Them All And In The Darkness Bind Them

blackbirdneo

sir ejbasses.. sige pag may free time ako. sabihin ko sayo

crawler486

Quote from: ejbassesDehins shrink wrap tol. parang nylon sya na mesh, Hay ang hirap idescribe!!!! hehe. parang tubing sya na nylon tpos dun pinapasok yung wire parang additional insulation.

anong PCB papagawa mo pareng crawler?

nylon shrink wrap?  :twisted:  :twisted:

alam ko na kung ano tinutukoy mo. makikita mo rin yun sa wiring ng soldering iron. dehins ko rin alam pangalan nun.
post k n lang ng new topic. I'm sure alam ng mga guru yan.
kala ko punta k megamall nung saturday? nandun ako.
papamigay ko na sana lahat ng xtra components ko hehe

blackbirdneo

uy. dalulubog na dahan dahan tong thread na to.. anyways.. triny ko ung sa acetate.. ayw magtransfer!!! waahhh.. sa pagkakaalam ko pa naman toner ung xerox namin sa school.. maghahanap tuloy ako ng iba pang lugar na pwedeng magpaacetate

ejbasses

Buhayin ang thread!!

Blackbird, baka kulang sa init. Try mo sa Copy trade. Dapat yung xerox machine pang powder. Yung mga mukang bulok na xerox di ata pwede dun. Anong PCB b ginagawa mo ngayon? Bakasyon ko na bukas, baka itry ko na yung Bart na Pre

Nakabuo na b kayo ng EQ? Yung Parametric?

Saka san nakakabili ng magandang 1/8 inch na jack? yung pang headphones na size, ansupot nung sa deeco eh.

Saka shielded cable na small diameter,  suggest naman kayo ehehehe ginagamit ko yung nabibili sa true value, try nyo, yun yung gagamitin ko pang recable ng headphones ko, nasira eh
Four Strings To Rule Them All And In The Darkness Bind Them

blackbirdneo

natransfer ko na.. pero di lahat lagay kaya tatry kong magpaxerox ulit at itry ulit yon... ung ginagwa ko ngayon rebote delay...

newvogs

mga bossing, magkano pagawa ng chorus at delay pcb, nasasayang lang pag ako kasi gumagawa eh, cge na boss ejbasses, ehehehe, at patulong rin po ng correct na connection sa pick-up ng electric guitar. ang set-up ko 1 single, 1 humbucker, 3 way blade switch (single, both, humbucker), 1 tone , 1 volume. kasi yung sakin ok naman kaso lang pag nilakasan mo na yung volume rinig na yung humm o grounded na tunog yata yun, tulong naman mga bossing, tnx :wink:

ejbasses

Blackbird, Follow up mo nalang ng sharpie, ganyan talaga yan. Or mag experiment ka sa heat ng plantsa mo. Post ka ng build pics ha.

Pareng new vogs. san ba nakikita yung PCB layout nyan? Bakit mo naman nasabi na nagsasayang ka lang? Sa site ng Seymour Duncan madaming schematics ng rewire. Favorite ko ay yung series parallel wiring. Msg mo ko tungkol sa PCB

Ugh bakasyon na! stig mga blue LED sa loob ng transucent na case. Punk rock!!! hehe
Four Strings To Rule Them All And In The Darkness Bind Them

newvogs

wala problem sa mga schem at pag print ng pcb, yung pag transfer galing acetate at yung pag gawa ng Ready To Solder na board ako nhihirapan, nasasayng lang yung materials kc panay nasisira lahat, halos...

yung sa schem naman sa pick-up ng gitara, hindi kaya kc panay local lang ang binili ko??? (ehehehe)

nakasalvage nanaman ako ng lumang pedal, chorus na century ang tatak, malinis pa yung board at pots cguro baka sa switch lang may problem, (ehehehe), kaso lang napansin ko yung karaniwang gamit na transistors ay K30 (n-channel jfet yata) at c945 (parang 2n5088 yata), ok lang kaya i substitute sa mga transistors sa iabng schem????

blackbirdneo

tatry ko na lang ulit itransfer sa pcb.. sabog ung lumabas eh.. pageexperimenthuna ko muna ung plantsa sa bahay.. tapos naconvince ko na dad kong gmawa ng power supply gagawi ko ung lm317 based sa GGG.

pyrotek

ej, spaghetti tubing tawag dun, di na nga ako nakakakita ng ganun ngayon. Di sya shrinkable at ibat-ibang kulay.

newvogs, Hum ba talaga yung ingay? kase ang hum present sya kahit na mahina yung volume mo... baka di shielded ang gitara mo o baka microphonic feedback problem mo? Same lang naman wiring ng kahit anong brand ng pick-up mapa Seymour Duncan o DiMarzio o ano pa man brand basta alamin mo muna yung configuration ng wiring o phasing ng pick-up mo tapos i-base mo na sa wiring ng iba i.e. Seymour Duncan.
K30 = 2SK30 JFET    c945 = BC945 BiPolar Transistor (NPN nga yata di ko na maalala). Mdalas gamitin ng mga ponjaps ang 2SK30 instead of J201, 2N5457, MPF102 and the likes. Japanese part kase ito, pag nag bukas kayo ng BOSS/Roland, Ibanez, Guyatone, etc... malamang meron 2SK30. Isa ito sa mostly used na JFET sa JAPAN at nag kalat din dito sa Pinas kase ginagamit din sa mga T.V. at Radyo (SONY, SANYO, SHARP, PANASONIC, JVC & etc...hehehe....) saka nasubukan ko na din na i-sub sa J201 at 2N5457 ito. Tama na nga tungkol sa 2SK30. 8)  ok din nga pala 2SK43 :lol:

black, alamin mo yung tamang heat at pati na din yung pressure na inaapply mo, pag masyadong mainit or masyadong madiin talagang sasabog or mag eexpand yung trace or design.

ejbasses

Blackbird, gagawa ako ng PSU, try ko gumawa ng madaming boards. gaano ba kalaki gusto mo?

Trade tayo mga tol!!! Services for parts hahaha. Boards for parts
Four Strings To Rule Them All And In The Darkness Bind Them

ian_zone

hi,

i've been a lurker here for a while. kakatuwa to see some kabayans here.

i'm currently building my first build, the bsiab2. ginamit ko yung process ng acetate at plantsa that i read in this thread, and i'm pleased with the results. sana successful yung first build ko.

sir crawler, i saw you post some of your posts at the yupangco forum. regular din ako don. great builds! also to pyrotek. galing nyo!

just wanna ask you guys kung anong gamit nyo besides 3pdt stompswitches? saka kung anong gamit nyong type ng bypassing?

ejbasses

Hi ian! hehe may bago na tayong troops. Post ka ng build pics pagkatapos mo. Saka san ka nagpaacetate? Kasi si black bird nagkaka problema sa pag transfer ng toner sa boards.

Switches... ano ginagamit mo? Si pyro 3pdt ginagamit ako 2pdt na pang stomp box. Tapos tong mga to yung mga parang switch ng pc ginagamit with millenium bypass ata.
Four Strings To Rule Them All And In The Darkness Bind Them