pinoy(philippines) diy'ers

Started by blackbirdneo, May 27, 2005, 10:21:20 AM

Previous topic - Next topic

pyrotek

aha! buhay papala kayo! dantuts hanggang dito nilalaglag mo ako. Nag popost ka pala during office hours ha. Di ka nag tratrabaho. May source na pala tayo nang parts... si crawler... :)

myrick13

magandang araw po sa inyo... matagal ko narin tambayan dito aat ngayon lang ako nagpost.
Iitatanong ko lang po sana kung ok naman ang sound ng BSIAB II
sa 2SK30A? salamat po

blackbirdneo

mga gurus ano pwede kong isbu sa 1ufNP na capacitor? wala akong amhanap eh. pwede bang mylar na klang gamitin ko don?

shadowmaster

Magandang araw!

     -Try mong mag-parallel ng dalawang non-electrolytic na 0.5uF kung meron. Tingin ko 0.47uF(mylar) ang pinakamalapit.

     -Meron akong nabili sa may electronics shop sa may Angeles City, Pampanga. Gagamitin ko sana sa Tube Screamer pero
      pwede pala ang electrolytic cap basta mai-orient mo lang maige ang positive at negative terminals niya. Ginamit ko na lang
      yung nabili ko sa modded na Orange Squeezer ko.

blackbirdneo

nakahanap na ako ng 1uF na NP kaso out of stock dito,. ka punta na lang raon. alam niyo naman pla kung saan may 2p3t toggle switch?

snabero

good day, may site akong nakukunan ng boss schem.check mo nalang. http://experimentalistsanonymous.com/diy/       http://www.godiksennet.com/?main=Schematics  .  copy, paste mo yung site.Pwede ka ring gumamit ng SEARCH bar sa site na ito.isulat mo lang kung anong pedal gusto mong makita,maraming forum na makakatulong sayo.

shadowmaster

Help! Saan ba nakakabili dito sa atin locally ng DC jack na panel mount/enclosure mount type? Mas madali kasi pag eto ang gamitin ko para regular na bilog lang ang butas sabay screw na lang. Gamit ko pa kasi yung PCB mount type na DC jack na common sa atin. Kailangan ko pa tuloy butasan ng U-shape yung enclosures ko saka ko iginu-glue yung DC jack. Thanks!

blackbirdneo

sir walang ganon sa atin unless mag oorder ka online

snabero

#188
Quote from: shadowmaster on June 02, 2006, 07:35:07 AM
Help! Saan ba nakakabili dito sa atin locally ng DC jack na panel mount/enclosure mount type? Mas madali kasi pag eto ang gamitin ko para regular na bilog lang ang butas sabay screw na lang. Gamit ko pa kasi yung PCB mount type na DC jack na common sa atin. Kailangan ko pa tuloy butasan ng U-shape yung enclosures ko saka ko iginu-glue yung DC jack. Thanks!

may nabili ako sa raon.nakalimutan ko yung name ng store.kung may tyaga ka,pasukin mo yung mga store na maliit malapit sya sa deeco,sales st. yata.reply uli ako pgnapuntahan ko uli.

snabero

#189
Quote from: dantuts on April 24, 2006, 03:53:58 AM
helo guys tulong naman... sino sa inyo mayroon mga service manuals ng BOSS.. yung scan sana... kahit anong model...

PM nyo ako  ;D

good day, may site akong nakukunan ng boss schem.check mo nalang. http://experimentalistsanonymous.com/diy/ . click mo or copy paste. punta ka sa schematics. try mo rin ito ,  http://www.godiksennet.com/default.asp?main=Schematics .kung gusto mo ng ibang diagram ng ibang model ito click mo ito      http://filters.muziq.be/schematics?PHPSESSID=ed4812e1162d08f0a9eee41dbcf72b73         . ikaw nalang maghanap ng schematics ng pedal na gusto mong tingnan. Pwede ka ring gumamit ng SEARCH bar sa site na ito.isulat mo lang kung anong pedal gusto mong makita,maraming forum na makakatulong sayo.

pyrotek

snabero magkano kuha mo dun sa DC jack? post ka naman ng pic.

myrick13 try mo na lang 2SK30 high gain low noise din naman ang 2SK30 parang japanese version ng J201 ang 2SK30 saka may ibang member ng 2SKseries FET na ok din gamitin, na try ko na sa ibang circuit hindi nga lang sa BSIAB II.

blackbirdneo kadalasan mas malaki in size ang mga NP na e-cap parang 2 polarized e-cap na naka series para maging NP (sa DEECO meron pero malalaki ang voltage rating), try mo na lang mag parallel ng dalawang 0.47uF o 0.68uF pwede din gumamit ka na lang ng isang 0.68uF tignan mo kung may difference sa 1uF kadalasan ang effect naman ng caps eh sa frequency/tone so malamang mas ma bass ang 1uF o pag aralan mo yung circuit at gumamit ka na lang 1uF na polarized, pwede din naman yun, sabi lang ng iba may effect daw pero kadalasan naman wala kase malamang AC/audio yung signal mo kaya try mo na lang.

;D


snabero

#191
    30 pesos,may isang type mas maliit pero dc in lang sya,walang linya papunta sa batery terminal.baka sa friday makapasyal ako sa raon ilalagay ko sa forum saan ko ito nabili. :D

shadowmaster

Quote from: snabero on June 13, 2006, 07:30:50 PM
30 pesos,may isang type mas maliit pero dc in lang sya,walang linya papunta sa batery terminal.baka sa friday makapasyal ako sa raon ilalagay ko sa forum saan ko ito nabili. :D

Thanks sa info. Aluminum na casing na MXR-type o Hammond-type??? O 3PDT na pushbutton switch ala Fulltone o Carlin??? Baka sakaling may makita ka sa mga sulok ng raon i-share mo na rin. Salamat uli!!!

efx

Magandang Araw... Kakaregister ko lng ngayon...
Tanong ko lng sana kung saan kayo bumili ng footswitches?

snabero

Quote from: shadowmaster on June 02, 2006, 07:35:07 AM
Help! Saan ba nakakabili dito sa atin locally ng DC jack na panel mount/enclosure mount type? Mas madali kasi pag eto ang gamitin ko para regular na bilog lang ang butas sabay screw na lang. Gamit ko pa kasi yung PCB mount type na DC jack na common sa atin. Kailangan ko pa tuloy butasan ng U-shape yung enclosures ko saka ko iginu-glue yung DC jack. Thanks!

ito na ung address ng binilhan ko ng dc jack BELDEN MARKETING along Evangelista st.,Quiapo.In front sya ng Salonga music stores(dalawa kc ung salonga na music store).25 pesos bili ko nung friday.

shadowmaster

I thought of sharing ang mga pride and joy ko. My way of saying thanks to the people in this DIY community particulary sa mga  pinoy sa forum na ito. Sa kanila ko nalaman kung paano gumawa ng fx na may kasamang Pinoy ingenuity. Sa kanila ko nalaman na posible.

                             

From top left clockwise: Power Supply +9V,                                          From top left clockwise: Red Ranger, Improved
Power Supply +18V, Condor Cab Sim,                                                   EA Tremolo, Purple Peaker, Nurse Quacky, Hornet
BSIAB2 and Green Ringer. EJ Basses                                                     and Shocktave. Mga ginawa ko 'nung newbie pa ako.
inspired 'yung power supply ko.

                               

From top left clockwise: Phase 45, Rebote                                             Laman-loob ng Tube Screamer. Wala pang enclosure.
Delay2, Small Clone Chorus, Bad Stone,                                                 
Flanger 301 and CE-2 Chorus. Modulation
effects. Sila mga  favorite ko kasama na
din 'yung Rebote Delay 2.                                                     

                               

Close-up ng Bad Stone.                                                          Laman-loob ng Orange Squeezer. Wala ring enclosure.

pyrotek

ok ahhh :o madami ka na nagawa shadowmaster ;)

saan ka bumibili ng parts? photo sensitive na pcb ba ng alexan gamit mo? ano gamit mo case? 8)

shadowmaster

Quote from: pyrotek on July 24, 2006, 10:44:26 AM
ok ahhh :o madami ka na nagawa shadowmaster ;)

saan ka bumibili ng parts? photo sensitive na pcb ba ng alexan gamit mo? ano gamit mo case? 8)

Sa Deeco or Alexan lang lahat halos galing mga parts ng nagawa ko. Dati nung newbie pa ako, PCB ng Alexan gamit ko. Part name sa Alexan e PC201. Actually protoboard siya. Pre-made na siya na parang perf. May butas na at ikaw na bahala sa layout design. Kung nababagot ako sa opisina gumagawa ako ng layout design ng mga schematics ng effects na balak kong buo-in. Disadvantage nito maraming jumper ang kailangan. Di siya advisable sa mga high-gain o mga sensitive na circuits. 'Yung guts ng tube screamer ko na pinost ko, sa PC201 ko siya ginawa. 'Yung iba, ginaya ko lang 'yung pinost ni ej basses dito na plantsa method sa paggawa ng PCB then sharpie na lang 'yung malabo ang pagkaka-transfer. 'Yung casing sa Alexan ko din nabili. Plastic lang siya. HC981 ang partname sa Alexan.

rogeryu_ph

Hi, guys puwede sanang mag tanong kc wala ng mabili na AUDIO LOG pot puro linear lang. Meron bang paraan maging Audio log ang Linear? Para sa volume at drive ng BSIAB na balak kong project. At isa pa paano sukatin voltage out ng transistor? Mga FET yon BSIAB di ba, di lang sa FET kc pati sa OP Amp minsan nababasa ko may voltage out guide per pin for debuging, di ko alam paano test yon using multimeter. Pasensiya na baguhan ako sa electronics. Baka masira ko mga parts eh. Thanks

blackbirdneo

hmm pwede namang liner lang instead of log sir eh. pero di kung gusto mong gawing ganon may ilalagay ka atang resistor pero di ko sure,. hehe ung sa pag sukat naman ng voltage. bsta ung negative na probe sa ground tpaos positive na probe sa pin na susukatin mo. sa mga mas may nakakaalam diyan correct niyo na lang ako kapag mali ako