pinoy(philippines) diy'ers

Started by blackbirdneo, May 27, 2005, 10:21:20 AM

Previous topic - Next topic

blackbirdneo

ung millenium since indicator lang naman siya baka hindi ko na muna gawin, basta mapagana ko muna ung big muff hehehe. anyways may nakagawa na ba sa knyo ng gt2? any comments kung maganda ba siya bilang isang amp simulator? tapos sa mga gusto ng side line sa school namin baka may mga willing bumili ng effects. suggest lang kayo ng price.

crawler486

Quote from: blackbirdneoung millenium since indicator lang naman siya baka hindi ko na muna gawin, basta mapagana ko muna ung big muff hehehe. anyways may nakagawa na ba sa knyo ng gt2? any comments kung maganda ba siya bilang isang amp simulator? tapos sa mga gusto ng side line sa school namin baka may mga willing bumili ng effects. suggest lang kayo ng price.

are you referring to sans amp gt?
hehehe up to now, medyo alanganin akong gawin yang project na yan
sa dami ng parts and switches!! and if you are not careful enough,
its prone to hum and oscillation.

ask zener (I wonder where he is)?
i think nakagawa na sya nyan.

ano nga palang transistors ang gagamitin mo sa bigmuff?

blackbirdneo

un nga sir ung sans amp na gt-2. ung ginagamit ko ung green russian big muff ni nabo ung transistors niya don ay 2n5088. anyways nagiisip ako ng next na project after ng bigmuff kasi after ng bigmuff tatry ko na ako lang magisa gagawa without the help of my dad.

ejbasses

alam ko si zener sabi nya sakin tatlong gt2 ginawa nya bago nya napagana ng okay.

Pyro, naubos 5532 ko apat yun!!!! di ko alam kung bakit ewan ko kung reverse voltage o dahil malas ako. Pero may working prototype na ko ngayon gamit ko LM358 na IC mejo may distortion baka dahil sa IC. bili nalang ako bukas ulit ng 5532 hehe ANG GASTOS!!!!

blackbird; first build? hrmmm power supply para di ka na bibili ng battery? Ano pa ba... hrmmmm la kasi gaano FX na magagamit pang bass. Yung DOD overdrive 250 okay or TS9 with bass mods.

post naman kayo ng build pics.

Nasaan na kaya si ZENER??? para makita natin yung mga DIY wah nya
Four Strings To Rule Them All And In The Darkness Bind Them

crawler486

Quote from: ejbassesalam ko si zener sabi nya sakin tatlong gt2 ginawa nya bago nya napagana ng okay.

Pyro, naubos 5532 ko apat yun!!!! di ko alam kung bakit ewan ko kung reverse voltage o dahil malas ako. Pero may working prototype na ko ngayon gamit ko LM358 na IC mejo may distortion baka dahil sa IC. bili nalang ako bukas ulit ng 5532 hehe ANG GASTOS!!!!

blackbird; first build? hrmmm power supply para di ka na bibili ng battery? Ano pa ba... hrmmmm la kasi gaano FX na magagamit pang bass. Yung DOD overdrive 250 okay or TS9 with bass mods.

post naman kayo ng build pics.

Nasaan na kaya si ZENER??? para makita natin yung mga DIY wah nya

pareng ej,  why not try ordering samples from T.I.
They have already sent me a package full of stuff two times already.
They ship international for free. They sent me 10 NE5532.
They sent me loads of op amps and voltage regulators...Eto nakatambak ngayon hindi ko naman nagagamit hehehe.

here are the list...

Part Number            Qty      Status
CD4047BE               10       10 items shipped on 11/19/2004
CD4066BE               10       10 items shipped on 11/19/2004
CD4069UBE              10       10 items shipped on 11/19/2004
NE5532AP               10       10 items shipped on 11/19/2004
RC4558IP               10       10 items shipped on 11/19/2004
TL072ACP               10       10 items shipped on 11/19/2004
UA78L05ACLPR           10       10 items shipped on 11/19/2004
UA78L09ACLP            10       10 items shipped on 11/19/2004

ejbasses

Order nga din ako. or at least try ko pag di tinatamad. hehe. oorder nalang ako ng madaming opamps. may account na ata ako dun eh. yun yung  My T.I sa mailbox ko ata ehehe.

Onga pala saan nakakabili nung perfboard na pad per hole? hindi yung may 3 rows katulad sa alexan or deeco.

ano balita mga bro?
Four Strings To Rule Them All And In The Darkness Bind Them

pyrotek

nag post ako kaso di lumitaw natagalan kase ako eh medyo mahaba nandito kase sa office at tinatamag na akong ulitin PM nyo na lang ako send nyo cel number nyo sakin, hehehe!!!
Ang saya kagabi, sino sa inyo nanood kay NUNO? 8)

ejbasses

Ahhh nuno yung sa extreme? May nabalitaan nga ko na may clinic daw. ibang tao sa school ko mga clinic fanatic eh.

Nakabuo na ba kayo ng galing tonepad? saka pyro ano PCB ginamit mo sa BSIAB2 mo?

PM kita cp number ko mamaya
Four Strings To Rule Them All And In The Darkness Bind Them

crawler486

Quote from: pyroteknag post ako kaso di lumitaw natagalan kase ako eh medyo mahaba nandito kase sa office at tinatamag na akong ulitin PM nyo na lang ako send nyo cel number nyo sakin, hehehe!!!
Ang saya kagabi, sino sa inyo nanood kay NUNO? 8)

nabalitaan ko ngang ok yung clinic ni Nuno.
kwento mo naman blow by blow yung nangyari!!!

pyrotek

Basta!!! OK!!! Masaya!!! :D  8) Nasa tabi ako ng stage katabi ko PA Speakers, nabingi nga ako eh. Tumugtog sya ng mga bago saka may ilang luma nung sa EXTREME pa sya, syempre kasama more than words, hehehe!!! electric version nga lang saka ang kulit ni NUNO at may naki jam pa.

Ej kung kailangan mo ng design ng PCB send ko sayo? Pano? Galing GGG pero inedit ko, nasa photobucket ko kelan lang kaso tinanggal ko baka kase magalit sila sa GGG nilagyan ko kase ng initials ko, hehehe!!!  :) Kung gusto mo bili ka sakin ng PCB, hehehe... 8)  FR4 Glass Epoxy ginamit kong PCB.

Rebote Delay palang nagawa ko galing Tone Pad.

ejbasses

Anong Mods ginawa mo? Okay sa PCB ah. ginagamit ko lang raon or alexan depende kung nasaan ako.

gusto ko gumawa sana. anong mas blus/jazz ang tunog? BSIAB2 or ts9?

well as usual parts nanaman ang problema so eto mga hinahanap ko ngayon...

optoisolators... saan nakakabili? pero natry ko na rin yung home made pero saan nakakabili!!!

saka suggest naman kayo ng normally open na switch na pwede ko gawin foot switch, may design ako para sa looper eh,

anyway para may magawa tayo, post kayo ng nabuo nyo na... list lang

ako:

-little gem
-headphone amps
-mga onboard buffer for basses, simple lng transistor naka buffer config
-amz minibooster mga 10 na nagagawa kong ganito, benta sa school ginagamit na prototype sa electronics

non musical:

-function generator
-crc 12 16 saka 24 Cyclic redundancy checker. EE ako pero ECE yan project nayan. hehehe

sankatutak na PCB layouts for extra cash hehehe

aba di na nagpopost si blackbird ah. baka natutuwa masyado sa big muff nya.
Four Strings To Rule Them All And In The Darkness Bind Them

blackbirdneo

di pa nga tapos eh. busy lang ako sa school ngayon kasi tatry kong maging air police sa C.A.T. namin, kaya puros push ups at crunches ako sa bahay:D tatry kong ipost ung pic paga nagawa na dis sunday

blackbirdneo

possible bang magawa ung bartolini ntmb pre amp dito sa pinas? parang kaysa on baord gagawing stomp box?

crawler486

Quote from: ejbasses

anyway para may magawa tayo, post kayo ng nabuo nyo na... list lang

Black Fire
Blues Breaker
BSIAB I
BSIAB II
MXR Dist+
MXR Enveloper Filter
Orange Squeezer
Phase45
Rebote2 Delay
ROG Cab Sim
Ross Compressor
Small Clone Chorus
Sonic Distortion
Vox Wah (home made pedal..hideous!!)
DOD Compressor
Mosfet Booster
Ultra Clean PS
LPBI
Jordan Boss Tone

kawawa naman tong thread na to. apat lang tayong nagpo-post hehehe
:D  :D

crawler486

Quote from: ejbasses

gusto ko gumawa sana. anong mas blus/jazz ang tunog? BSIAB2 or ts9?

optoisolators... saan nakakabili? pero natry ko na rin yung home made pero saan nakakabili!!!

Kung masusunod mo lahat ng parts ng BSIAB2 mas versatile sya.
Yung ginawa ko kasi puro J201 ang trannies kaya compress at gainy
yung tunog. Mostly suited for rock.

Experience ko naman sa TS9 eh hindi ko maayos yung tone control.
Reverse logarhitmic pots and kailangan. Wala naman akong mabilan.

wala rin akong alam ng source ng vactrol.

ejbasses

crawler ano ginamit mo na optoisolator? Most parts naman makikita natin dito eh, ang mahirap hanapin ay yung mga casing at foot switch. Haha pagalingan nalang yan.

Black bird, Yung bart na preamp mukang okay. Lupit nung gumawa hehe pucha sana ako din may panahon. malapit na finals eh. Gusto mo subukan? baka mahirapan ka kasi la ka pa experience kasi sabi mo newb ka. baka nga ako di ko pa mapagana yan ehehehe. Try ko pag aralan yung op amps kung pwede mag substitute tapos try natin, hehe ako na sa PCB layouts

Pero kung gusto mo... (shameless plug) yung onboard pre ng yammy ko benta ko sayo kelangan ko ng pera eh. hehee
Four Strings To Rule Them All And In The Darkness Bind Them

blackbirdneo

ejbasses wala din akong pera ngayon eh nagiipon para magpagawa ng bass. ehehehe try natin ung bart na preamps na yon. papatulong ako sa dad ko incase mapagana mo nga yon.:D:D

pyrotek

optoisolator ba? sa raon meron doon sa alam kong bilihan ng tube socket.

Mas ok ang BSIAB2, promise...hehehe.... kaysa TS9. Basically marami namang similar na circuit sa TS9. Ang mga blues at jazz di naman talaga sila gumagamit ng pedal kadalasan drive lang ng amp at yun na. Mga fusion or yung mga heavy ng konte ang madalas gumamit kagaya ni SRV pero ang totoo naman di naman sa TS9 galing tunog nya. Naging hype lang akala ng iba dahil sa TS9 at yan tuloy nag mahal ang TS9. Mahinang mahina lang talaga ang drive at dahil sa tone control kaya ok din tunog ng TS9 pero sa amp parin talaga tunog nya galing. Ang BSIAB2 parang amp kase dahil may stages unlike TS9 and clones at isama mo na rin Overdrive ng BOSS at DS1. May DOD nga ako date maganda din tunog, yung Classic Tube kaso di na sila gumagawa pati Blues Driver ng BOSS maganda din pero sa BSIAB2 parin ako. arrrggghhh!!!! 8)

Check nyo BOOSTER 2.5 ng AMZ pati Sweet Thing similar kase circuit nila at may iba pa. Pwde nyong palitan yung combo ng caps C3a at C3b palitan nyo na lang ng isa kung mas makapal na tunog gusto nyo, palitan nyo ng 2.2uF to 4.7uF kahit na 10uF pwede nga at tataas pa ang gain pati yung R3 680 ohms pwede nyong babaan hanggang 100 ohms pero suggestion ko hanggang 470 ohms lang para tumaas ang gain. Pwede nyo din palitan combo ng R6, C5 (470k/470pF) palitan nyo ng 220k/0.001uF. C6 150pF pwede din nyong palitan hanggang 470pF, ang ginagamit ko 220pF or 250pF.

marami-rami na din at di ko maalala lahat pero ito mga naalala ko.
FUZZ pinaka una kong ginawa (15 or 16 lang yata ako noon)
BSIAB2 (mga nasa 8 na nabuo ko)
Tube Screamer
Blackfire
Vulcan
JFET Vulcan
Double D
AMZ OD Pro
Rebote Delay
3 Legged Dog
Ruby
Smash drive
Big Daddy
Meteor
Thunderchief
Uno
Simple Sim
Calavera
Stupidity Box
AMZ Cabinet Simulator
Bulldog Cabinet Simulator
ROG Cab Sim
Wah-Wah (Walang case/box)
Ibat-ibang amps simula nung high school pa ako, kelan pa ba yun, hehehe!!!

non-musical ba?
Mga amps pati head phone amp na pang gitara, wala pang internet noon base sa LM386 kaya nga naka gawa na ako bago ko nalaman mga smokey, ruby etc...(nasabi ko na nga pala sa taas) "First guitar amp ko gawa ko lang"
ibat ibang klase ng Power Supply
FM/AM Transmitter
pang bug ng telepono
mosquito pester
kung anu-anong nag papagalaw ng ilaw
sari-saring digital circuits
mga mixer
pang control ng soldering iron
line/surge suppressor
electric motor (proj ng kapatid ko nung high school sya at ako gumawa, malaking motor)

ahhh... basta yan lang naalala ko. electronics has been my hobby for 20 years na, nag simula ako elementary pa lang ako.

crawler pahingi naman ng UA78L09ACLP kahit 2 lang, hehehe

ejbasses

Ang gulo kasi sa raon no? hehe kahit ilang beses na ko dun bumabalik magulo parin para sakin hehe.

BSIAB2? hrmmm matry nga, pero may gusto akong bilin na bass eh kaya on hold muna ang pagbili ng parts at mga project.

blackird, magpapagawa ka? saan ba nagpapagawa? Pucha dami ko naririnig na magpapagawa pero never pa ko nakita na pinagawa na ginamit sa actual gig. dami ko design dito naka full scale na drawing ehehehehe. wala lang ako pambili ng wood working tools, basic lang ang meron ako (martilyo, lagare at konting chisels)

Yung bart na pre gusto ko itry ilagay sa stompbox magiipon muna ako ng parts, excuses excuses excuses.

ano ba okay na DIY parametric EQ?

crawler baka gusto mo itrade o kaya ibenta yang mga 5532 mo sakin. hehehe

hrmm ano pa ba,

dahil nag post na kayo ng builds, gear naman, past and present hehehe


Rj sherwood bass, now fretless, black fretlines, wala na sakin
radioshack and fender cables, the best investment ever
Yamaha RBX750A, isa pang good buy, nabili ko sa yamaha 12k lang
Fender strat japan, nasa gitarista na ng mayonaise
BC rich warlock 4 string bass wit EMGs. la na rin binenta ko sa isang lawyer
peavey microbass
DOD bass grunge, la na
zoombfx7072 la na rin
morley wah + 20 issues of guitar world nabili ko all for 800 bucks!!!!
Four Strings To Rule Them All And In The Darkness Bind Them

pyrotek

Gear? Hmmmm.... Past & Present?

Present:
Ibanez RG450 w/ DiMarzio PUs (Tone Zone, Air Norton & Chopper)
Ibanez US Custom S540 w/ Seymour Duncans
Tech 21 SanaAmp GT2
BOSS GE7 EQ
BOSS CE5 Chorus Ensemble
DOD Stereo Flanger
DOD Digital Delay/Sampler (sira at walang mabilan ng parts)
PARK G10 Practice Amp
SABINE Tuner
BOSS TU12 Tuner (sira din)
Seiko Metronome
chipipay na Volume Pedal
chipipay na Acoustic na binili ko sa Sta.Mesa pero solid ang top kaya maganda tumunog at mababa pa action.
Proco Cables w/ Neutrik Plugs (gawa ko lang)

Past:
GAWA KO, galing tawi-tawi yung kahoy, maganda tunog mabigit nga lang, grabe kaya binenta ko karkado ng DiMarzio (2H)
FENDER Strat (Japan)
RJ Rokker na minodify ko
TOKAI Tele (Japan)
Korean Strat
Jim Dunlop 535 Wah-Wah
ZOOM Multi Effects w/ Expression Pedal
DOD Classic Tube
RAT Distortion
DOD Metal Maniac
Collection ko ng Guita Player, Guitar FTPM (pinaluma kong kopya 1998 pa), Guitar World, Guitar School, Guitar Techniques at saka may ilan-ilan pang iba at may Japanese at ibang Bristish Guitar Magazine pati pang Recording, nag simula ako mangolekta nung 1989 pa pero may na arbor akong GP na 1978, 1979, 1988 at Guitar World 1988. Di na ako masyadong bumibili kase madalas di na maganda eh
Ibat-ibang model ng DiMarzio, Seymour Duncan, Ibanez at iba pang brand ng pick-up.

Nag trabaho kase ako date sa RJ uso doon bentahan ng gamit minsan nga kumikita ako puhunan lang laway, hehehe!!! Naka subok ako ng maraming gamit kami kase date distributor ng Ibanez, Taylor, Guild, Gibson, Randall, Crate, Red Bear, Orange, Takamine, ESP, Jim Dunlop, Morley, DiMarzio, Dean Markley, Alesis, etc... at saka meron din kaming Fender, Marshall, Peavey kahit na sa kalaban namin yun, hehehe!!!