pinoy(philippines) diy'ers

Started by blackbirdneo, May 27, 2005, 10:21:20 AM

Previous topic - Next topic

blackbirdneo

uhm sir ejbasses, sa roadtone un ung pinakamagandang place pagpagawan ng guitar. ung akin sa lumanog sa tapag ng robinsons metro east nasa 7k kasi ung 6 string na bass eh.
anyways ang gear ko:
rj p-bass
peavey micro bass

mga sirs tanong pala. kakatapos lang namin gawin ng dad ko ung big muff tapos sinundan namin ung schem nung kay nabo talaga bang mahina sound niya. kasi kailangan nakatodo ung volume ng amp ko para maring ko lang siya ng matino eh. mas malakas pa kung nakabypass lang. tapos may mga crack sounds pa? any idea kung ano problema?

newvogs

kmusta mga bossing rami na pala kau gwa mga effects, kaingit naman, noob p lng me d2 forum, yung kapatid nmin na bunso kasi nagbalak magaral ng gitara eh may nakatambak kaming electric guitar sa likod ng bhay tapos sinalpakan namin ng lokal na mga pick-up, strings at floyd rose, kahit papaano naman medyo disente ang tunod (hindi halatang lokal ehehehe), sinubukan ko gumawa ng fx galing internet, kahit papaano mganda naman ang tunog (ehehehe)

easy drive
muffer
muffmaster
overdrive pro
insanity box

mga bossing hingi ako ng tulong kc gus2 ko sana makgawa ng chorus pedal at delay pedal, pati na pala wah-wah pedal, yung di gaano mhirap ang schematics kc yung ginagamit kong pcb ay yung nabibili sa alexan na pc-201 yata yun. di kc ako marunong mag etch, or khit cnong merong ready-to-etch na printable file mas ok papa etch ko n lng sa kuya ko (ehehehe), tatanawin kong malaking utang na loob ;) salamat mga bossing!!!

pyrotek

blackbird try nyong i-double check mukhang may mali sa build nyo lalo na sa signal path at ground try nyo rin baka sa mga wiring specially sa mga pots at jacks.

Mabuhay newvogs, hehehe!!! :)  Mga simpleng ciruits lang pwede sa PC-201, gumagamit din ako nito date mahirap kaseng gamitin mas madali pa kung perfboard ang gagamitin mo saka syempre mas maganda kung gagawa ka ng pcb mismo. 8)

blackbirdneo

sir pyrotek sa pot pala ung problema. sira ung isa kaya ganong kahina. naayos na namin!!! wahhooooo ang ganda ng tunog hehehe. maghahanap na ulit ako ng bagong project. baka bumili ako ng kit ng mixer para lang merong mixer na nakakabit sa pc ko. at saka pala ung rebote delay. available ba mga parts non dito?

newvogs welcome dito. parehs lang tayong noob dito. sana marami kang matutunan tulad ko.:D:D

blackbirdneo

ito mga pics ng gear ko at ng mga nagawa ko nang effects:



ung big muff ko:

ung overdrive ko:

crawler486

nice builds blackbird!
plastic b yang casing mo?

ej, pyro pwede kong pamigay yung mga parts kaso hindi ako nakakauwi ng antipolo. dito kasi work ko sa pampanga.

o spam muna...
looking to trade with dimarzio/seymour duncan buckers.





but wait!!! if you decided to trade within this month
I'm willing to throw in one of my DIY pedal (pics posted on page 1 of this thread)  :twisted:  :twisted:

blackbirdneo

yup plastic siya ung hc-981 ng alexan. may plano pa akong gawing aluminum ung casing para mas astig tignan. inuuto ko pa dad ko na gawa niya ako ng ganon hehehe.
anyways available ba sa atin ung TLC2272 or TL072. parang gusto kong gawin ung tonemender sa runoffgroove eh para may eq lang ako at saka ung rebote delay. yang 2 ang next target kong gawin this month.

crawler486

Quote from: blackbirdneoyup plastic siya ung hc-981 ng alexan. may plano pa akong gawing aluminum ung casing para mas astig tignan. inuuto ko pa dad ko na gawa niya ako ng ganon hehehe.
anyways available ba sa atin ung TLC2272 or TL072. parang gusto kong gawin ung tonemender sa runoffgroove eh para may eq lang ako at saka ung rebote delay. yang 2 ang next target kong gawin this month.

yung TL072 marami nyan I'm not sure about TLC2272

sa deeco meron PT2399 para sa rebote delay. mainam gumawa
ka na rin ng power supply kasi yung rebote once na humina battery
mo, parang naka-bypass n lang ang tunog. malakas sa battery.

ejbasses

Hey Boys!!!!

aba, daming post ah, meron pa tyong bagong pinoy dito, Tapos may commercial pa galing kay crawler! biruin nyo yun!?!?

Welcome newvogs, pag la ka na magawa post ka dito.

crawler! kelan ka uwi? mangiiskwater muna ako ng parts sayo. hehe

blackbird, nice gear. akit parang iba ichura ng micro bass mo? Kung ako sayo okay na first project ay powersupply, may board ako dito, gusto mo? =) may trace na pang IC regulated using LM317 ba yun?

PC201 din ginagamit ko minsan, quick and dirty. pero pagkaka tweak mo ng circuit yung sa PC 201 nagtatangalan na yung trace sa substrate badtrip! kaya pag may oras ako PCB na ginagawa ko, mas matrabaho pero mas okay, kontrolado mo ang layout.

Tama si crawler maraming TL072 dito, dual channel op amp lang yan.

till next time, hinahanap ko pa long nose ko may humiram nanaman....
Four Strings To Rule Them All And In The Darkness Bind Them

ejbasses

Nabuo ko na headphone amp ko pero may di ako magets na ginagawa nya. pag disconnected yung source buzz lang ng buzz yung headphones ko.

di ako gumamit ng decoupling capacitors sa input.. Di ko magets kung bakit. di ako makatulog insomiac nanaman

Bakit kaya?
Four Strings To Rule Them All And In The Darkness Bind Them

blackbirdneo

plano ko nga dapat gumawa ng power supply eh. pero parang sabi ng dad ko mas mura daw ata bumli kaysa gumawa non... sabi lang niya.... anyways thnx sa info. tatry kong gawin ung tonemender at rebote delay this month

crawler486

Quote from: blackbirdneoplano ko nga dapat gumawa ng power supply eh. pero parang sabi ng dad ko mas mura daw ata bumli kaysa gumawa non... sabi lang niya.... anyways thnx sa info. tatry kong gawin ung tonemender at rebote delay this month

mas mura pero hindi naman well regulated or completely hindi talaga regulated (poor regulation=hum)   :)

tanong ko lang.. di ba bassist k? saan mo ginagamit
yung mga effects mo?

un nga palang PT2399 na mabibili mo sa Deeco ng P50 plus yata,
with my experience maiingay yung chips na yun (I think they are made in Taiwan).
Yung una kong nabili sa Raon which is P150 ok sya.

Pareng Pyro, tanong ko lang kung meron parang slight distortion
kang naririnig dun sa rebote delay mo? Sa akin kasi may parang
slight distortion sya lalo na kung clean channel ang gamit mo. I think
it has something to do with the PT2399 chip's clock noise.
Wala akong makitang solution dito sa forum.

blackbirdneo

ung effects ko.. kasi ung mga songs ng muse majority don naka effects eh. ung iba para may mapaglaruan lang ako hehehehehe. ung sa delay kung maingay siya baka ung sa alxen na kit na lang bilhin ko. depende.. mahal din ung kit na yon eh..

newvogs

salamat mga bossing, bumili ako ng pang etch sa alexan sinubukan kong mag etch hirap pla gumawa sa or khait mag drawing sa blank na pcb, pwede raw pentelpen kaso lang di rin naman ako marunong mag drawing (ehehe), subukan ko ngayong week bumili nung sa alexan na Php80 na tapat lang raw sa bumbilya at scetch ng drawing mo eh ok na babad mo na lang sa etchant (ehehe), ako kasi nang sasalvage ng parts sa mga lumang distortion circuita, namimili ako ng sirang mga distortion d2 samin, so far 1 p lng ang nabobola ko, balak ko this month gawin,

rebote delay2
mini chorus
noise gate (<---kasi lahat ng gwa ko effects maingay kasi panay replacement parts ginawa ko, di pa ako marunong mag bias ng maayos)

pag may time ako parinig ko sa inyo yung insanity box kong maingay, pero di halata lokal na pick-up at karaoke na speaker ang pinanggalingan, eheheh) ;-)

newvogs

tip lang sa power supply: mang salvage na lang din kau ng mga lumang adaptors, at lagyan nyo na lng ng pang filter capacitors at power supply IC ba yun (7809) para wlang hum, kasi lahat ata ng adaptor power supply ay poorly regulated and mostly hindi tlga regulated... Gwain to ng mga nangsasalvage ng parts ehehehe (2lad ko)

blackbirdneo

meron na pala nung ganong paper sa alexan.. mas maganda yon.. mas mapapabilis na ung pag gawa ko ng effects if ever may ganon na nga.:D:D

ejbasses

Blackbird, Photo etch ata yung sinasabi ni newvogs hindi yung press and peel. May tinuro sakin si zener na pag gawa ng PCB gamit acetate saka plantsa, yun na ginagawa ko, no more masking tape and cutter!!!! haha

Anyway, nabuo ko na headphone amp ko, ansarap makinig through my sennheiser! litaw ang vocals, the highs are high and the lows are low. SARAP!

kasalukuyang nasa case ng VHS na pang handycam dahil lumipad at nasira yung casing na dapat ko gagamitin.

Ano mga casing ginagamit nyo? san astig bumili?
Four Strings To Rule Them All And In The Darkness Bind Them

pyrotek

pareng crawler meron talagang noise ang PT2399 pag sa mahahabang delay, sakit talaga nya yun karamihan ng gumawa ng rebote delay at yung sa GGG na delay base sa PT2399 may ganun talaga kaso di masyadong halata sa delay ng GGG kase may compander na ginamit saka nag check ako crawler ang princeton ay taiwanese company talaga kaya puro taiwan talaga ang mga PT2399. Gumagawa din nga din sila nang copy ng ibang delay chip ng mitsubishi at holtek.

Nasubukan ko na yung photo sensitive pcb nang alexan. Kailangan nyo ng salamin yung medyo makapal para dumiin sa design. Mag print kayo ng design sa at least 70gms ng tracing paper at magandang gamitin na ilaw eh blacklight kung wala flourescent na at least 10W pero mas maganda kung 2, pwede din 20W. Mag experiment na lang kayo sa distance at haba ng exposure sundan nyo na lang yung guide na kasama pati yung naka print sa balot nya.

blackbirdneo

bigay naman kayo ng mga techniques niyo sa pag gagawa ng pcb. step by step. hehehe kasi ung ginawa ko dun sa bigmuff, prinint ko sa sticker paper saka ko dinikit sa pcb at dahan dahan ginamitan ng cutter.

ejbasses

Eto yung turo sakin ni zener, dinagdagan ko nalang, mga improvements na natutunan ko...

1. create a layout on your favorite PCB making software
2. Print sa papel, mas dark ang print mas okay, yung normal lang hindi kelanagn naka reverse, pang sticker lang yun.
3. ipa-acetate
4 ipatong ang actate sa PCB foil side
5. plantsahin mo, dahan dahan lang
6. tanggalin ang acetate
7. mag etch sa ferric
8. linisin ang pcb para lumabas ang mga trace

VOILA!!!! may PCB ka na

notes lang: yung plantsa mga 3 lang, tapos walang steam. hindi didikit yung acetate sa plantsa basta di gaano maiinit. Pag tatangglin m,o yung acetate sa PCB dahan dahan lang ang hatak baka sumama yung toner sa acetate ulit ka nanaman. Yung quality ng acetate ay nakadepende din kung saan, favorite ko copytrade kasi consistent ang acetate nila, dark pa at makapal ang toner,

Habulin mo naklang ng sharpie yung mga kelangan ng retouch. Pag mag etch ka okay kung mejo mainit ang tubig kaso mas mabaho, tapos alugin mo yung container para laging gumagalaw yung solution.

Kung hardcore ka i-sharpie mo nalang hehe
Four Strings To Rule Them All And In The Darkness Bind Them