pinoy(philippines) diy'ers

Started by blackbirdneo, May 27, 2005, 10:21:20 AM

Previous topic - Next topic

rogeryu_ph

blackbirdneo, thanks ha. Kc nakabili ako ng isang audio log A100K ang tatak hindi B100k sa raon, binuhos pa namin lahat ng pot sa tindahan nung tindera para maghanap, isa lang nakitang kasama ng mga B pot luma pa nga itong A pot. Ginamit ko sya sa volume na first project kong  Big Muff ng Tonepad. Napansin ko nga pagkaiba ng audio log A pot sa linear B pot, pag pinipihit ko ang A pot unti-unti syang lumamakas unlike sa B pot konting pihit lang malakas na agad. Kaya siguro require ng project A pot sa mga Volume At Drive pot. Sa Tone pot naman linear ok lang. Ano kayang value ng resistor ang ilalagay at paano siya series o parallel kaya? Anyway, pagtiyagaan ko nlang linear pot. Sa testing na tinuro mo try ko siya may power ha at puwede sa IC ha. Maingay kc TS clone na gawa ko tonepad baka nasira ko kako IC, nakakita ako ng voltage out reference sa GGG ata bawat pin out. Nakabili kc ako ng tatak JRC 4558 dito sa las pinas wala sa raon 40 pesos lang, masiyadong kc akong curious sa IC na ito eh kaya ko ginawa TS project. Balitaan kita ng result.   

blackbirdneo

ung jrc 4558 sa deeco nabibila try mo din gumamit ng tl072 mas tunog tubo.

rogeryu_ph

Meron ako ng tl072, try ko nga. Ginamit ko yon sa Tonepad MXR noisegate na project ko waste lang ang time ko. Di pala perfect yon noisegate, binasa ko mga build report nya ang galing daw sabi ng mga nag built. Wala nga siyang hiss o hum pag lalo na single coil pick up gamit mo, kala mo nga off ang ampliy mo, pag kalabit mo ng string buong buo ang lakas walang bawas sa tone. Pero ang problema pag pahina na note o sound mo lumalabas yong hiss at hum malakas pa sa mhinag note mo bago niya gate off ang sounds. Na try ko ng humingi ng tulong sa Tonepad di ako sinagot. Siguro negosyo yon kaya ayaw nlang mag reply pero pag bibilin mo yong kit nila baka may kasamang correction parts o instruction sila ano. Email ko naman yon isang nag built report nag email back sabi German eh "I'm sorry to say I don't built the noisegate project only the Tubescreamer, Tonepad had mistakenly posted my built report on the wrong project" hehe. Bumili nalang ako ng Boss Noise Supressor NS2 sa Yupangco. Kaso hanggang ngayon di ko pa nakukuha inorder pa sa Taiwan. Cge balitaan nalang tayo.

demet

WOOOOOW! 

Mga kapateed....first time ko magpost dito.  siguro mga ilang buwan na rin akong nalolokong tumingin sa internet kung pano gumawa or mag-modify ng effects.  Nakakaengganyo ang mga post niyo.  Sobrang baguhan lang ako sa science ng effects.  MAtagal na akong tumutugtog, pero di ako nawili sa effects.  For mga 10 years, ang gamit ko lang boss-OD2(yung walang remote) at VOX V847 wah pedal.  Pero nung sumali ako sa isang reggae band, naging curious ako sa mga effects na gamit nila.  kaso wala ako pera bumili, kaya naisipan kong gumawa.  sa ngayon, nasa research stage palang ako.  Mabuti nalang at natagpuan ko kayo dito para may makuhang impormasyon.  Mag-share din ako kung meron.

I know a lot of you have been asked this before.  Can anyone share some information about where I can find 3dpt switches?  gusto ko i-true bypass yung WAH pedal ko.  In addition, I also want to make a simple boost pedal for my chain.  Nanggaling na ako ng raon, recto, avalon, at deeco, pero ang meron lang sila ay yung swith na pinost ni blackbird on the 1st page of this thread.  Can't order from the states because currently, I don't have the means.  Any form of help would be very much appreciated. 

By the way, dami kong nakitang mga pedalboard threads sa internet...I think the we should have our own pinoy pedalboard thread.  Any takers?

Salamat muli!

blackbirdneo

sir demet wala kang mahahanap na stompswitch dito sa mga electronics sotre. meron sa mga nag momod ng effects for business tapos kung bibili ka sa knaila mga 600 isa. sa pedalboard thread punta ka sa philmusic na site at sa yupangco forums. nandon ung mga pinoy pedals boards na halimaw ang setup. hehe

demet

AYUS KAPATEED!  actually...nabili ko na yung switch na pinost mo pa nung 2005...the problem is...wala akong alam sa electronics...puro pangongopya lang ang kaya ko gawin....yung wah pedal ko, gusto ko i-mod...yung info ko sa internet ko lang nakuha...

astig talaga na merong mga katulad kong nahihibang dito...nakakabwisit yung mga ibang kilala ko na puros bili lang ang alam gawin!  not to say na masama...pero mas astig lang if you really know what's going on...so as of now...bwisit din ako...

blackbirdneo

ako din sir wala talagang alam sa electronics nahilig lang talga sa pag gagawa nito dahil walnag pambili ng mga tunay. haha 1st year engineering student pa lang ako kaya sana maintindihan ko din to habang tumatagal

rogeryu_ph

Blackbirdneo, Try ko na tl072 parang pareho lang. Di ko ma distinguish ang diffirence nya, Maybe siguro sa paggamit ng audio probe but I don't know or don't have that instrument oscilloscope ba yon? Demet, walang nabibilhan ng stompbox switch dito. Ang ginagamit ko lang yong sa TV push switch na puti 2p2t anim ang paa at plastic siya. Puwede na rin kc di ko naman tinotodo ang tapak at pag nakahanap ako saka ko nalang palitan. Baka kailangan mo 3p3t mas mahirap walang push switch noon meron toggle switch type sa Deeco yesterday galing ako 180 pesos. Blackbirdneo REBOTE ang project ko ngayon bumili ako ng PT2399 68pesos kahapon. Problem ko walang .082 uf na available.

blackbirdneo

try mo sir sa raon. di ko maalala kung nagsubstitue ako nung ginawa ko rebote ko eh.

demet

blackbird...nuti kapa pinagisipan mong pag-aralan talaga...as in college at hindi bahay...may alam ako sa electronics pero konti lang...arkitekto ako pero di ako masyado nakinig sa prof namin nung college

blackbirdneo

ah. hehe tinatry pang aralin. hehe sa mga naghahanap ng dpdt at 3pdt may nagbebenta 1200 at 1800 ata yon. heheeh kung ako bibili na agln ako ng gtx or behringer sa price na yon


crawler486

biruin mo yun, buhay pa pala tong thread ni blackbird...hehe

musta mga brother!!

demet

salamat kapateed na blues...kapateed na crawler...nakakabaliw yung una mong gawa....sana ako rin....hehehehehe....1st project ko:gawing true bypass yung V847 ko...nagpabili nako ng parts sa tate...kaso isa lang napabili ko...mahal din kasi at $4.50.   

demet

onga pala....may nakita ko dun sa ebay supplier na ang mga 3dpt switch ay gawang taiwan lang...at least yung blue box at hindi yung mga fulltone...may nagtrip na bang hanapin ang supplier na ito sa taiwan?  kasi malamang mas mura pa rin dun kesa sa U.S.  lalo na sa shipping....

blackbirdneo

sana gna amy magbwenta dito ng msa 3pdt at dpdt na risonable ang price. hehe sir crawler musta na? ano na mga bago niyong builds? currently inuulit ko ung bassdrive ko dahil ang ingay.

mga pinoys diyang mag post kayo dito.

shadowmaster

Quote from: demet on November 13, 2006, 01:45:29 AM
onga pala....may nakita ko dun sa ebay supplier na ang mga 3dpt switch ay gawang taiwan lang...at least yung blue box at hindi yung mga fulltone...may nagtrip na bang hanapin ang supplier na ito sa taiwan?  kasi malamang mas mura pa rin dun kesa sa U.S.  lalo na sa shipping....

Puro manufacturing lang ang sa Taiwan at may designated silang taga-market. Malaman mo man ang contact ng manufacturer, ipapasa ka pa rin nila sa taga-market nila usually outside Taiwan ang location. Yan ang sabi ng friend ko generally regarding sa electronic parts. Pero siyempre hoping pa rin ako na may mapag-kukunan tayo ng murang switch at die-cast aluminum boxes.

Mga repapips try niyo tumingin dito sa site na ito. http://www.rsphilippines.com

Ang alam ko may hammond boxes sila at DPDT na switch na gaya ng ginagamit nila sa mga effects dito. Nakita ko sa catalogue nila sa pagkakatanda ko. May tube transistors pa nga ata.

Happy effects building!!!

blackbirdneo

ung sa site na binigay mo mahal ng diecas casing. hehe ok na ung sa alexan na diecas n binibili ko. sna may store talga sila dito sa pinas para mabili kaagad ung dpdt un nga lagn 800 siya

crawler486

mga tol,
 
    magkano kaya nyong ibayad para sa 3pdt switches? magkano ba ngayon dyan sa pinas yan?

    I may have something in mind.

blackbirdneo

hmm sir amy nagbebenta ng 1k isa tapos meron ding 1800 isa. ung dpdt naman 800 ung pinakamurang nakita ko. kung sa akin cguro mga 300-400 hehe kasi may nakita ako ng $5 lang ata ung benta nya sa 3pdt tapos nasa $3 ung dpdt